Yan yung mahirap kalimutan kapag nagkahiwalay kayo, yung mga binuo nyong pangarap ng magkasama.

 

Guys will never admit they are wrong, sisiguraduhin nila na pag gumawa sila ng kalokohan ay maiisisi nila sayo.

Pahalagahan mo ang taong hindi sumusukong mahalin ka. Dahil sa mundo, maaaring maraming tao, pero di ka makakakita ng kagaya nya.

Para Sa Mga Umaasa

Para sa mga umasang kagaya ko. Chos! 

Nabiktima na ba kayo ng mga taong pa-fall? Yung mga taong ang sarap i-fall sa sobrang taas na building? Joke! Sila yung mga taong pa-fall in love, o kilala din bilang mga paasa. Don’t worry, dadating din yung feeling na “Dati patay na patay ka sa kanya, ngayon ang sarap na lang niyang patayin!” Chos. HAHA 

Sa una. Sweet, caring, malambing. Yung taong ipaparamdam sayo na mahalaga ka sa kanya. Yung taong ipaparamdam sayo na gusto ka niya. Tapos pag gusto mo na din siya, boom panes. Bigla na lang mawawala. 

Sa pangalawa. Mamimiss mo siya. Maalala mo yung mga sinasabi niya sayo. Maalala mo yung kilig feelings/effect pag magkausap, ka-text, ka-chat kayo. Dati, heart heart pa. Tapos ngayon, hurt hurt na. Tapos, bigla siyang babalik. Tapos mawawala ulit, balik, alis, balik tapos alis. Ang gulo. Sa huli, marerealize mo na lang na umaasa ka sa wala. Nag-hihintay sa wala. 

"Mahirap umasa sa taong hindi mo alam kung ano ka sa kanya, hindi mo alam kung saan ka dapat lumugar. Hindi mo maintindihan kung ano ba talaga yung nararamdaman niya para sayo." 

"She’s broken, because she believed.", "Maybe the happy ending is just moving on.", "Please don’t make me think there’s something, when there’s nothing.", "The world fell silent to the sound of my broken heart." Yung sa sobrang hurt mo puro ganyan na ang status, tweet or gm mo. Pero alam mo, okay lang yan. Kasi sabi nga ni Ellen Degeneres, “Emote. It’s okay. It shows you are thinking and feeling.

Pero saan ba mas mahirap mag move on? Pag naging kayo o kapag hindi na kayo? 

Pag naging kayo, pero iniwan ka lang o niloko o pinagpalit. Yung tipo na umaasa kayong mababalik pa sa dati ang lahat pero hindi na at malabo na. Mahirap kasi masyadong madaming bagay kang maalala, madaming alaala na paulit ulit na babalik kahit ayaw mo na. 

O pag hindi naging kayo? Yung tipo na napaasa ka lang sa wala? Yung tipong sobrang sweet sayo tapos after non mababalitaan mong may boyfriend/girlfriend na? 

Hindi na ko magtataka kung umiyak ka din nung nawala siya. Minsan kasi bigla mo na lang siyang mamimiss, yung mga pinag uusapan niyo, yung mga panahong close pa kayo. Pero isipin mo na lang. Lahat ng bagay talagang nagbabago, lahat nagbabago, may aalis, may dadating at may papalit na bago. 

Tandaan mo okay na okay na okay lang umiyak. Huwag kang magfeeling na hindi ka naiiyak, pag nasasaktan ka okay lang umiyak. Masarap kayang umiyak lalo na kapag sobrang sama ng loob mo. Pero pagkatapos ng mahabang iyak na yon, dapat handa ka na mag let go. Parang isang gamit lang yan na hawak hawak mo,kung nasasaktan ka na at hinihigpitan mo pa ang hawak lalo ka lang masasaktan, dapat wag mo ng patagalin yung sakit, bitawan mo na. 

Alam ko na hindi ganun kadaling bitawan ang lahat, lalo na sa social network. Siguradong friends kayo sa Facebook or naka follow ka sa kanya sa Twitter. Para sakin kasi, parang ang bitter tingnan kung i-unfriend ko siya. Diba? Ewan. Pero kung sa tingin mo malaking tulong ang pag-click ng unfriend sa kanya, then go. 

Sadness is part of life. Wala tayong magagawa kung ganon talaga ang buhay. Dapat sanay tayong tumanggap kung ano man ang dadating satin. Tamang iiyak nga tayo, nag eemote, nasasaktan pero dapat strong ka pa din. Hindi sa kanya umiikot ang mundo mo, madami ka pang makikilala at madami pang magmamahal sayo. Wag mong sayangin ang bawat pagkakataon na maging masaya ka ulit. Goodluck. 

Ang tagal kong nawala sa tumblr world! HAHAHA. Sobrang naging busy lang talaga ako this past few days syempre kailangan kong makipag bonding sa anak ko at syempre sa pamilya ko ngayong hindi na ako ulit busy i’m back na para sa tumblr family ko noh! >:D< Nanakaw yung cellphone ko kaya ayun. Paki-delete nalang po yung number ko sa mga kaibigan ko dito. :) Hihihi!

Minsan kailangan pangmawala ang taong yan for us to realize na, ops di pala kompleto mundo ko kung wala ang taong to.

Badtrip ang mga lalaki no? Kung kailan naka-move on kana kasa sila magpaparamdam tapos iiwan ka ulit.

Yung kawalan ng oras, pambabalewala, at hindi pag-intindi sayo ay sapat na para matauhan ka.

May mga bagay lang talaga na kahit naiintindihan mo ang dahilan, hindi mo pa rin maiiwasan ang masaktan.

Gustong gusto ng mga lalake na nakakakita ng legs, cleavage at sexyng katawan ng ibang mga babae na binabalot lang ng maiikling tela, pero ayaw nilang nagsusuot ng ganun ang girlfriend nila dahil alam nila ang takbo ng isip ng mga kapwa nila lalake. kumplikado pero totoo.

Huwag mong ipagpalit yung matagal na pinagsamahan ninyo ng mahal mo sa maikling sandali na kaligayahan sa iba.

“Minsan dumarating yung pagkakataon na kahit marami ng bagong taong dumaan sa buhay mo na minahal mo, may isang tao ka paring hindi malilimutan na kahit sinaktan ka pa nya ng sobra, alam mong hindi mo sya makakalimutan, dahil minsan da buhay mo, nagmahal ka ng sobra sobra.”

Nakakasawa kaya maging mabait. Lagi kang tinetake for granted at akala nilang lahat hindi ka nagagalit.